Post by Farmer Nestor on Feb 25, 2010 14:33:35 GMT -8
Mga Sangkap at Kagamitan sa Paggawa ng Concentrate
Kagamitan:
1. Timbangan (0-25kg)
2. Pala (dalawang piraso)
3. Sako
Mga sangkap:
1. Darak (D1) 35% ng kabuoang timbang
2. Copra meal 34% ng kabuoang timbang
3. Durog na mais 14% ng kabuoang timbang
4. Soybean meal 5% ng kabuoang timbang
5. Pulot 10% ng kabuoang timbang
6. Dicalphos 1% ng kabuoang timbang
7. Asin 1% ng kabuoang timbang
Paraan sa Paggawa ng Concentrate
1. Timbangin ang mga sangkap ayon sa tamang bahagi.
2. Unahing paghaluin ang mga maskaunting sangkap katulad ng asin, dicalphos at soybean meal. Haluing mabuti hanging maging pantay ang pagkahalo ng mga sangkap
3. Gamit ang pala isunod na paghaluin ang copra meal at darak. Paulit-ulit na gawin ang paghahalo upang matiyak na pantay ang pagkakahalo ng dalawang sangkap.
4. Ihalo ng paunti-unti ang mga pinaghalong maliliit na sangkap habang kasalukuyang gingawa ang paghahalo sa copra meal at darak.
5. Isunod na paghaluin ang durog na mais at pulot. Ibuhos ang pulot sa nakabundok na mais. Haluing mabuti hanging sa mabalot ng pulot ang lahat ng mais.
6. Pagkatapos, ihalo ng paunti-unti ang pinaghalong pulot at mais sa iba pang sangkap. Gawin ang pag durog sa mga buo-buong bahagi upang maihalo ng mabuti ang concentrate. Ulit-ulitin ang paghalo hanging sa ang lahat ng sangkap ay pantay ang pagkakabahagi sa concentrate.
7. Ilagay sa sako ang hinalong concentrate. Pwede na itong ipakain sa mga alagang hayop o iimbak sa bodega.
Mga Dapat tandaan sa Pagpapakain
1. Maaring simulan ang pagpapakain ng concentrate sa gulang na 1 o 2 buwan.
2. Magpakain ng concentrate isang buwan bago ibenta ang mga karnihing kambing.
3. Pinabibigat nito ang timbang ng hayop at pinagaganda ang kalidad o marbling ng karne.
4. Ang pagpapakain ng concentrate sa mga inahing ay napakahalaga upang madagdagan ng sapat na timbang ang mga ito para matustusan ang pag papagatas sa kanilang mga anak. Dagdagan ng suplementong concentrate ang rasyon isang buwan bago manganak ang mga inahin.
5. Huwag sobrahan ang pagpapakain ng concentrate lalo na sa mga guya upang maiswasan ang mga sakit katulad ng kabag o bloat, enteroxemia at acidosis.
Note:
Ang formulation na ito ay galing sa CLSU Small Ruminants Center