Post by Farmer Nestor on Aug 14, 2010 16:04:33 GMT -8
Ang Kahalagahan ng Malusog na Lupa
Isa sa mga problemang kinakaharap ng mga Pilipinong mag sasaka ay ang konting kinkita sa pag sasaka. Isa na rito ay ang sobrang taas ng mga kemikal na pataba, at pestisedyo . Kapag hindi naman daw sila gumamit ng mga ganoong kemikal ay wala naman silang aanihin. Kaya ang resulta ka karampot na kita pagdating ng anihan.
Isa sa mga naging problema namin dito sa Batangas ng magsimula kaming magtanim ng mga legumbreng pakain sa kambing ay ang mababang kalidad ng lupa. Sobrang asim na ng lupa ng itoy aming ipasuri ( 5.5 ang PH value). Ito na marahil ay dahil sa halos sampung dekada ng puro tubo na lang ang kanilang tinatanim. Unti-unti nilang pinapatay ang lupa.
Ang lupa ay mahalaga, dito naka-salalay ang buhay ng bawat magsasaka. Dapat natin itong pag yamanin hindi pinapatay. Sa pag aalaga ng kambing ang matabang lupa ay napaka halaga
Malusog na Lupa
Putik, buhangin, tubig, at hangin ang bumubuo ng lupa. Ang isang malusog na lupa ay kailangang binubuo ng ibat-ibang aktibong organismo, at ito sa dakong huli ang mag bibigay ng pataba sa mga halaman.
Mga Maliliit na Organismo sa Lupa
Bakteria
Ito ang nag do-dumina sa pag po-proseso ng nitroheno, at asupre (sulphur)
Fungi o Amag
Ito ang nag papa bulok sa mga tuyong dahon patay na kahoy atbp.
Bulating Lupa
Sila ang mabilis na nag papa bulok ng organic na bagay. Sila rin ang nag bubungkal ng lupa at mahusay na mag halo nito. Napaka laking benepisyo ang dulot nila sa lupa.
Ang mga bacteria, amag, at bulate ay mahalaga, sila ang nag papataba ng lupa.
Kapag patuloy ang pag gamit ng mga kemikal na pataba at pestisidyo, sila ay namamatay, kasunod nito ay ang pagka-matay ng lupa. Kung ang lahat na magsasaka ay ma-uunawan ang kahalagahan ng hindi pag gamit ng mga kemikal, ma-iiwasan sana ang malaking gastos, at ang unti-unting pag kitil sa buhay ng lupang kanilang sinasaka.
Layunin ng Oyibo’s Goat Farm
Isa sa mga layunin namin dito sa OGF ay 100 porseyentong hindi pag gamit ng mga kemikal na pataba, at pestisedyo.
Unang Hakbang
Ang pag papa-tigil sa pag gamit ng mga patabang kemikal.
Pag lalagay ng irigasyon sa mga lugar na taniman.
Pag tatanim ng mga legumbreng may kakayahang bumuo ng nitroheno sa lupa sa natural na pamamaraan.
Ang pag gamit ng “vermi-compost” bilang pataba sa mga pananim.
Iwasan ang madalas na pag bubungkal ng lupa hayaan ang mga bulateng lupa ang gumawa nito.
Malawakang pagtatanim ng mga “cover crops” ng mapa natili ang halumigmig ng lupa.
Ikalawang Hakbang
Ang pag papa-tigil sa pag gamit ng mga pestisedyong kemikal.
Gumawa ng sariling pestisedyong natural gamit ang tulong ng mga “Effective Micro-organism”
Gamit narin ang EM ito narin ang aming ginagamit bilang pang linis ng mga kulungan ng kambing.
Gamit narin ang EM ito narin ang aming gamit upang puksain ang mga mikrobyung nag paparami ng “ammonia” sa ilalim ng mga kulungan ng kambing.
Ikatlong Hakbang
Ang pag gamit ng mga natural na halamang pang purga sa mga alagang kambing (patuloy parin ang aming pag sasaliksik).
Ang pag gamit ng mga alternatibong pang enerhiya (wind generator, bio-diesel Solar panel, atbp. (plano sa hinaharap)
Sa ngayon kami ay sumusubok ng gumawa ng Bio-diesel gamit ang mga pinag prituhang mantika.
Malaki ang potensyal na maitutulong ng bio-diesel sa mga magsasaka. Sa ngayon ang bio-diesel ang siyang nag-papatakbo sa aming traktura (kuliglig), at ang “by products naman ng bio-diesel na “glycerine “ ang siya naman naming ginagawang sabon para sa pang araw-araw na gamit ng aming mga tauhan.
Espesyal ang sabong pang paligo ng aming mga tauhan sa kadahilanang, ito ay may sangkap na gatas ng kambing. ;D ;D
Malusog na lupa
Libreng Pataba mula sa Kalikasan (Pag ani ng EM)
Ito ang aming EM matapos ang 14 na araw na pag proseso
Isa at kalahating litrong EM inihahalo sa isang galong tubig
Matapos mahalong ma-igi ito ay aming ini-spray sa ilalim ng kulungan ng kambing. Ang resulta......walang amoy at walang langaw na kulungan.