|
Post by Farmer Nestor on Feb 22, 2010 16:28:44 GMT -8
Panimula
Ang concentrate ay isang uri ng food supplement na idinadagdag sa pakaing damo at legumbreng ating mga alagang kambing. Ito ay nag tataglay ng mga pangunahing sustansiya katulad ng enerhiya, protina, mga bitamina at mineral na kailangan para sa mabilis na paglaki, mabigat na timbang, at mataas na produksyon ng gatas. Ang concentrate ay ibinibigay upang matulungan ang mga pangangailangang sustansiya na wala o kulang mula sa pagpapakain ng damo at legumbre lamang.
Ang concentrate ay mababa ang fiber (<20%) ngunit mataas naman ang enerhiya (>60%) nito. Ang pag papakain ng concentrate ay hindi pinag-uukulang pansin dahil ito'y dagdag gastos lamang sa ating mga mag-aalaga. Ngunit ang pag-papakain nito sa mga panahon ng kakulangan sa pagkaing damo at legumbre sa huling buwan ng pag aalaga bago ibenta ang hayop, o sa huling buwan ng pag bubuntis na inahin, ay napatunayang malaki ang dulot nito sa paglago ng kinikita sa pag-aalaga ng kambing.
Abangan sa susunod: Mga sangkap sa pag gawa ng concentrate
|
|
tess
Grades
Posts: 5
|
Post by tess on Oct 1, 2010 18:11:35 GMT -8
Ay ito po pala ang concentrates.. thanks.. pag aaralan po namin itong gawin.. salamat!
|
|
|
Post by cefalexin on Oct 22, 2010 0:48:38 GMT -8
sir, can you share the ingredients and amount of the concentrate. what specific brand of minerals and vitamins do you use? where to buy it? ty. dr imelda dallo
|
|
|
Post by Farmer Nestor on Oct 22, 2010 1:26:04 GMT -8
|
|