Post by Farmer Nestor on Aug 3, 2014 16:03:01 GMT -8
Meat O Dairy Alin sa Dalawa?
Marami-rami narin ang mga nagtanong sa akin kung papa-ano ang wastong pag aalaga ng kambing. Kadalasan ay wala silang idea kung pang karne ba o gatasan ang uri ng kambing na kanilang aalagaan. Basta gusto nilang mag alaga ng kambing.
Sa mga na una ko ng isinulat dito sa Oyibo’s Goat Farm message board, na una ko ng ini-lathala kung ano ang mga dapat gawin bago bumili ng kambing (Raising Goat Guide to OFW Part I, II, at III. Na-isip ko na dapat siguro ay magkaroon din ka-alaman ang mga kababayan natin kung pang karne ba O gatasan ang dapat nilang alagaan.
Una nating talakayin ang tungkol sa mga gatasang kambing. Alam na nating lahat ang kahagahan ng maganda o mataas na uri ng lahi, wastong nutrisyon at kalinisan sa pag hahayupan.
Ang gatas ng kambing, sabi ng mga dalubhasa, ay ma-ihahalintulad sa gatas ng ina. Ito raw ay maganda para sa katawan ng tao. Kaya nga marami ang gustong pumasok sa negosyong ito.
Ayun sa “datos” halos 98 porsyento ng gatas na ating nabibili sa tindahan ay ina-angkat natin sa ibang bansa. Malaki ang potensyal ng industriyang ito para sa mga lokal na mga magsasaka na nag aalaga ng mga gatasang kambing.
Mga Problemang Hinaharap ng mga Mag-gagatas
Sobrang mahal na mga kagamitan, ito ang una naming nakita ng kami ay mag-simula sa industriyang ito. Ang isang makinang pang gatas ay nag-kakahalaga ng halos 60 hangang 80 libong piso ang isa. Ang isang namang sisidlan ng gatas (milking pail) ay nagka-kahalaga ng 8 libong piso ang isa (25 litrong kapasidad).
Ganun din ang mga kagamitang imbakan ng mga na prosesong gatas, freezer, chiller at lahat ng kagamitang ito ay gumagamit ng kuryente na lalong nag papa hirap sa bulsa ng mga mag gagatas dahil sa mahal ng kuryente sa ating bansa idagdag mo pa rito ang sobrang taas ng krudo at gasolina. Kawawa naman ang mga “Pobreng” mga mag gagatas.
Isa pang problema ay kakulangan ng mga lugar na pag dadalhan. Karamihan dito ay may bayad, ang iba ay sumisingil ng 1,800 pesos bawat araw, ang iba naman ay 2 libong piso o higit pa ang bayad sa isang araw. Diyos na mahabagin sa kakarampot na kita ilang daang litro ng gatas ang dapat mong ma- e benta sa loob ng isang araw para lang may ma-ipambayad ka! Kawawang mga mag-gagatas. Sa aming karanasan tanging ang bayan ng Nasugbo ang mababa sumingil 800 piso sa loob ng isang linggo libre na ang tent at kuryente. Saludo po kami Sa Mayor ng Nasugbo sana ganun din sa ibang lugar.
Kaya nga kadalasan ito ang nangyayari “DOG EAT DOG” sabi nga sa wikang banyaga. May mga taong gumagawa nito hindi ko na palalawakin pa kung ano ang ibig sabihin , pero isa ito sa mga problema kina-haharap ng mga mag-gagatas ng kambing.
Malaki ang potensyal ng industriyang ito, at sana mabigyan ng solusyun ang mga problemang hinaharap ng mga mag-sasaka natin mag-gagatas.
Alagaing Kambing na pang Karne
Malaki rin ang potensiyal ng industriyang ito, bukod sa mababa lang ang kailangang puhunan, ay lumalaki rin ang panganga-ilangan ng karne ng kambing. Kadalasan ay kinukulang pa nga lalo na tuwing darating ang selebrasyon ng mga kapatid nating Muslim.
Kailangan lang pag aralang mabuti kung papa-ano maka-pag bebenta ng tuloy tuloy sa loob ng isang taon. Sa tamang pag pa-plano kung ilang hayop ang gusto mong ma-ebenta kada ikatlong buwan o ika-apat na buwan ang industriyang ito ay malaki rin ang potensyal. Bukod sa simple at mababa pa ang puhunan, hindi ka pa nag aalala kung ang ito ay masisira o mapapanis tulad ng gatas.
Kaya mga kapatid sa pag sasaka kayo na ang pumili, Gatasang Kambing ba? O pang Karne ang pipiliin nating alagaan.