Post by Farmer Nestor on Mar 17, 2010 18:36:58 GMT -8
Panimula
Ang dayami ng palay o rice straw ay isang uri ng crop residue na mula sa pinaggiikan ng palay. Dito sa Pilipinas, mahigit na 12 milyong metriko toneladang dayami ang inani ng ating mga magsasaka noon lamang taong 2002 at 40% ang kontribusyon nito sa lahat ng na aning crop residues. Palatandaan na ang dayami mula sa palay ay mataas ang potensiyal bilang pakain para sa mga alagang hayop sa kabukiran dahil ito ay sagana at maaring iimbak ng pang matagalan.
Ngunit ang dayami ay isa lamang mababang uri o klase ng pakain. Ito ay dahil sa mababa ang enerhiya, protina, at mineral, matagal malusaw sa tiyan at hindi masarap sa panlasa ng hayop. Dahil dito hindi sapat ang dami ng sustansiyang nakukuha mula sa pagkain ng dayami lamang. Upang lubos na mapakinabangan ang pagpapakain ng dayami, kailangan nito ng suplementasyon ng mga sariwang damo, legumbre at concentrate, o kaya naman ay maaring iproseso ito upang maging Urea-treated Rice Straw o UTRS.
Kahalagahan ng Pagpoproseso ng Dayami o Rice Straw Treatment
Ang pagpoproseso ay maaring pisikal, biolohikal, o kemikal. Sa pangkalahatan ito ay mahalaga upang maitaas ang kalidad ng dayami bilang pakain sa hayop at lubos na mapakinabangan ang mga sustansiyang taglay nito.
30% na mas mataas sa enerhiya
100% na mas mataas sa protina
Napapadami ang maaring makain ng hayop
10% hanging 25% na mas mabuti at mabilis ang pagkalusaw ng pagkain sa loob ng tiyan.
Katumbas ng damo na may katamtamang kalidad
Paraang Kemikal sa Pagpoproseso ng Dayami
Ang paraang ito ang higit na ginagamit sa kasalukuyan. Gumagamit ng kemikal ang prosesong ito katulad ng abonong urea (46-0-0) upang maitaas ang enerhiya at protina sa pagkain. Naayos din nito ang mga bahagi ng dayami na matagal lusawin upang lalongmaging kapakipakinabang sa hayop.
Mga Sangkap at Kagamitan sa Paggawa ng UTRS
Mga Sangkap
1. Sariwang giik 20kg 600 gramos ng Urea at 8 litrong tubig
2. Tuyo 10kg 600 gramos ng urea at 10 litrong tubig
3. Babad sa ulan 30kg 600 gramos ng urea at 8 lirong tubig
Mga Kagamitan
1. Timbangan
2. Balde ng tubig
3. Plastic bag (sampung kilo ang kapasidad)
4. Tolda o lonang latagan
5. panali
Paraan sa Paggawa
1. Ihanda ang mga sangkap at kagamitan. Ang dami ng mga sangkap ay depende sa dami ng kakailnganing UTRS na dapat ipakain. Ilatag ang lona upang ito ang gagawing haluan ng mga sangkap.
2. Magtimbang ng 10 kilong dayami bawat isang haluan. Kailangan putol-putulin ang dayami ng may 3 pulgada upang mapadali ang paghahalo at pag siksik sa plastic bag.
3. Pagkatapos na maputol ang dayami ilatag ito sa lona. Lusawin ang urea sa tubig upang makagawa ng urea solution. Sundin ang dami ng urea at tubig ayon sa uri ng dayaming gagamitin.
4. Gamit ang baldeng may tubig idilig ang kalahati ng urea solution sa dayami at haluin ito. Muling idilig ang nalalabing solution at ihalo hanging sa ang mga hibla ng dayami ay mabasa.
5. Pag doblehin ang plastic bag. Ipasok ng paunti unti ang nahalong sangkap. Isaayos ang pagkakalagay ng dayami upang maging maayos ang pagkakasiksik nito sa loob ng plastic bag.
6. Pagkaraang maikarga lahat ng hinalong sangkap, siksikin ito upang mawala ang hangin sa loob ng plastic bag. Mainam din kung mayroong magagamit na vacuum cleaner upang higupin nito ang hangin sa loob.
7. Talian ang plastic bag.Kailangang ang maayos na pagkakatali nito upang hindi makawala ang ammonia sa loob ng plastic bag
Mga Dapat Tandaan
Kailangang maimbak ang dayami sa loob ng 14 araw. Itago ito sa isang lugar na may katamtamang temperature at halumigmig sa loob nito.
Gumamit ng bagong dayami. Iwasan ang pagamit ng inaamag na dayami.
Gamitin ang UTRS sa loob ng isang buwan pagkatapos ang 14 araw na pag iimbak. Ito ay upang maiwasan ang pagka-amag ng UTRS.
Huwag Ipakain ang UTRS sa inyong mga alagang hayop kung ito ay may amoy “ammonia”. Ito ay hindi nakalalason ngunit maaring makasama sa kalusugan ng alagang hayop pati narin ang taong makakalanghap nito.
Bago ipakain ang UTRS kailangan munang ipayangyang ito sa sa parang ng 24 oras upang matangal ang amoy ng “ammonia”
Samahan ng konting sariwang damo at legumbre kung magpapakain ng UTRS upang lalong ganahan ang ating mga alagang hayop sa kanilang pagkain.
Note: Ang impormasyong ito ay galing sa CLSU Small Ruminant Center Sa pamumuno ni Dr. Emilio Cruz at Dr. Edgar Orden