|
Post by northernphoenix on Oct 30, 2010 20:05:21 GMT -8
tanong ko lang kung pwede b ibigay sa kambing un Urea molasses block(UMB).
|
|
|
Post by Farmer Nestor on Nov 8, 2010 15:29:48 GMT -8
Oo naman, ang UMMB o Urea Molasses Mineral Block ay isang uri ng food supplement na maaring ipakain sa mga alagang kambing, tupa, baka at kalabaw. Ito ay siksik sa mga pangunahing sustansiya tulad ng enerhiya, protina, mineral at electrolytes na kailanagn para sa mabils na paglaki ng ating mga alagang hayop. Ang UMMB ay ibinibigay upang matugunan ang pangangailangang nutrisyon na kulang mula sa pag-papakain ng damo at legumbre lamang. Dahil ikaw ay taga Norte, mas maigi kung pumasyal ka sa CLSU Small Ruminants Centre at iyong hanapin sila Dr. Emil Cruz, at Dr. Edgar Orden sila ang nag turo sa amin sa tamang pag aalaga ng kambing. Mabuhay Ka! Farmer Nestor tanong ko lang kung pwede b ibigay sa kambing un Urea molasses block(UMB).
|
|